kABaTAanG pINoy

kiLOs kaBAtAaN... kAiLaNgaN Ka nG baYAn!
 
HomePortalGalleryArcadesRegisterLog inSearchFAQ
Latest topics
» US preparing war on North Korea and Iran!
December 23rd 2017, 4:01 pm by James307

» MASAHISTA GROUP SA FB. (Massage and Spa Therapist)
December 11th 2017, 2:41 pm by Ametron29

» Join PlanetRomeo and Manjam site. (Dating and fun)
December 11th 2017, 2:23 pm by Ametron29

» Tunay na kahulugan ng buhay...
December 10th 2017, 5:20 pm by James307

» Mga Pre. Masarap din magmahal ng tomboy...
December 10th 2017, 5:18 pm by James307

» Strict gun ownership/policy and no to riding in tandemn/Ejk!
December 10th 2017, 5:17 pm by James307

» Wonderful Story: Isang babae ang lumapit sa Pastor.
December 10th 2017, 5:14 pm by James307

» Watch: Jesus film and Christian celebrities.
December 10th 2017, 5:12 pm by James307

» BIG ONE AND WW3 IS COMING SOON...
December 10th 2017, 5:10 pm by James307

» PAYPAL MONEY INCOME
August 10th 2016, 11:50 pm by jafdynasty

» Much Awaited Movie This Year
February 9th 2015, 1:48 pm by justIGOR

» musta mga repapips
February 6th 2015, 3:53 pm by justIGOR

» kALaYaAn... sAaN aT kAiLaN?
February 5th 2015, 2:05 pm by justIGOR

» Pinoy Trivia
February 5th 2015, 1:35 pm by justIGOR

» Apps para sa mga masekreto at chismosa
February 4th 2015, 11:36 am by justIGOR

» Cellphone Application
February 4th 2015, 11:03 am by justIGOR

» Login
February 4th 2015, 10:35 am by justIGOR

» PET LOVERS: SHIH TZU
January 8th 2015, 10:17 pm by James307

» OPLUS AND WINDOWS PHONE LUMIA
January 8th 2015, 10:16 pm by James307

» SMARTBRO POCKET WIFI
January 8th 2015, 10:15 pm by James307

» IPASA ANG FOI BILL! IBALIK ANG DEATH PENALTY!!!
January 8th 2015, 10:12 pm by James307

» Christian Theology 101: Idolatry and Graven Images
January 8th 2015, 10:11 pm by James307

» Except a man be born again he cannot enter the God's Kingdom
January 8th 2015, 10:10 pm by James307

» Facebook Group
September 6th 2013, 4:33 am by tagubilin

» Survey
July 19th 2013, 11:27 am by Punong Abala

Top posters
Jhuly (7543)
 
belle (4209)
 
gelay (3681)
 
silip_lang (3646)
 
gneth (3566)
 
mark_7th (2450)
 
Lanyag Clara (2248)
 
onid (2229)
 
bantay (2175)
 
dhayan (1661)
 
Poll
Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo?
Nokia
62%
 62% [ 8 ]
Samsung
23%
 23% [ 3 ]
Motorola
0%
 0% [ 0 ]
Sony Ericson
15%
 15% [ 2 ]
LG
0%
 0% [ 0 ]
VodapHone
0%
 0% [ 0 ]
Alcatel
0%
 0% [ 0 ]
Wala sa Nabanggit
0%
 0% [ 0 ]
Total Votes : 13
Who is online?
In total there are 2 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 2 Guests

None

Most users ever online was 30 on June 27th 2012, 10:04 pm
Statistics
We have 482 registered users
The newest registered user is Ametron29

Our users have posted a total of 50867 messages in 1271 subjects

Share | 
 

 Nginiiig!!! - Index Pg1

Go down 
Go to page : Previous  1, 2, 3
AuthorMessage
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Multo.. minulto, kwentong katakutan..   November 5th 2008, 3:05 pm

First topic message reminder :

naniniwala ba kayo sa multo? nakakakita? nakakaramdam?
meron na ba kayong karanasan? kwentuhan naman tayo.. Smile

ang multo.........



alam kong matakutin ako, sublit datapwat, nilalabanan ko minsan,
pag di na kaya, takbo na belle....... hahaha

wala lang, naisip ko lang.. gumawa ng thread tungkol sa katakutan (daw????)..
Back to top Go down

AuthorMessage
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 10th 2009, 6:58 pm

tagal din d nakabisita eto muna pulot ulit Very Happy
-----
Gusto ko sana ishare tong experience ko for me di naman siya gaano nakakatakot but the creepy thing is pag napadaan kayo sa ortigas lapit sa megamall you can check out the place lalo na kung hapon or gabi kayo dadaan makikita nyo kung gaano ka nakakatakot yung design nang bldg. Metrobank bldg siya sa julio vargas st ata yun basta nasa kanto siya tabi nang el pueblo, tapat nang BDO... Here's my story...

I work for Metrobank Card Corporation i handle operations, international cases and monitoring so technically gabi pasok ko. 10pm to 6am our main office kasi is sa ayala one time nung nag attempt si trillanes mag coup sa mandarin hotel di kami pina report sa makati yan yung gabi na may curfew. So sa mga back up office kami pinapasok one of our back up is eto nga sa ortigas. Pag dating ko sa parking lot nakakatakot para kang nasa province daming puno and sobrang dilim to think na nasa tabi mo lang el pueblo. Nga pala im a collector of flashlight hobby ko nung bata kasi uso brown out dati so im always ready, I have my surefire (pinaka malakas na flashlight brand sa lahat 120 lumens dala ko) anyway.... Edi after ko mag park i checked the place out kasi nga nakakatakot parking lot palang. Pag pasok ko the guards escorted me to third floor and our IT boys helped me to set up my systems etc so technically ok na. Sa totoo lang medyo skeptical ako sa mga ganyang bagay so di ako takot sa multo and eventhough may *parang naffeel or nakikita ako lagi ako may logical na explanation di ko inaacept na multo yun.

First weird encounter, yung cr kasi dun malayo sa (kinikilabutan ako while typing haha) main office nakahiwalay mag lalakad ka pa nang isang mahabang hallway then liliko ka pa parang pa letter L yung hallway eh. Nag taka ako sa guard kasi pag labas ko sabi sir samahan ko na po kayo (taka ako kasi i can walk naman diba) "bakit po sir naka lock ba yung cr?" Guard "di naman sir mamaya ko nalang po sasabihin" putik edi lalo ako natakot, nag cr ako then nothing happened but its really creepy. Pag labas ko si guard wala na naisip ko baka hinatid lang ako. Balik ako sa office we use electronic id pero wala akong access sa ortigas kaya sabi nung guard ako na sir he swipe his electronic id (ELID), nung pumasok ako sabi tapang nyo sir ah CR kayo mag isa sabi ko ay hindi may kasama ako kanina yung matangkad na guard po sabi nung nasa nako sir ako lang duty dito sa third floor wala tayo roving then rumadyo siya he asked for someones name sabi wala sa buendia assigned... Im not a good story teller but i guess u got my point na yung guard na nag escort sakin ang multo so ayun delayed reaction takot ko kasi i didnt saw it coming....

Around 3:00am nagugutom ako... Curfew nga diba Kinapalan ko na mukha ko il walk until 7-11 orient square pag nasita il show my id and explain, shempre takot na ako diba nag pasama ako sa guard yung nag bukas sakin nang pinto. Sabi ko sir kakatakot naman baka pwede mag pasama sa baba lang madilim kasi sa hagdanan. sabi nyo ok sir no prob. So ayun baba ako then one strange thing happened nag brown out and yung SUREFIRE ko ayaw gumana ( sa mga may surefire at nakaka alam nun secure tail cap ko kaya walang reason para di gumana) sabi ko t*ng ina bat ganito yung guard wag kayo mag panic sir sanay na ako dito then yung keychain ko kasi may maliit ako na energizer na flashlight triny ko ayun gumana (Energizer nichia leds na flashlight so small but powerfull) habang mag lalakad kami pababa sealed yung building ha nag amoy bulaklak dama de noche nga ba tawag dun? i know the smell my ex usually scares me when we make out then we can smell the flower's fragrance *bukas bintana hehe* yung guard nakita ko sa kanya nanatatakot na siya so what i did i prayed... Habang tumatakbo pababa nag dadasal ako ng apostle's creed di nawala yung scent nakakatakot kasi parang susunod sayo nung scent and ang tapang walang hangin kasi patay aircon sa hallway tas sarado bintana, ayun di na ako tumuloy sa 7-11 one of the receptionist gave me lucky me supreme kahit papano ok na. Basically yan yung first time ko sa Metrobank ortigas umabot nang 3 beses yan dont have time to type na. Basta if ever mapadaan kayo dun check the place kunwari mag wiwithdraw kayo then malamang makarelate kayo sa kwento ko....
Back to top Go down
tagubilin
Senior Member
Senior Member
avatar

Female
Dami ng Post : 1510
Puntos : 3659
Salamat : 4
Lokasyon : super novalichessss!
Nagpatala : 2008-04-13

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 10th 2009, 11:12 pm

ang lagay di pa gaano nakakatakot sau yan blood affraid
nakakatakot na kaya lalo doon sa part na malaman mo yung dun sa security guard huhuhu :(( kung ako yun naku magwawala ako at di lalabas ng walang kasama..

cge tatanawin ko yang sinasabi mo pag nasa mrt ako

more!! bloodd moreeeeeeeeee!
Back to top Go down
http://ladybarizta.multiply.com/
tagubilin
Senior Member
Senior Member
avatar

Female
Dami ng Post : 1510
Puntos : 3659
Salamat : 4
Lokasyon : super novalichessss!
Nagpatala : 2008-04-13

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 10th 2009, 11:14 pm

peripheral vision ---> now ko lang narinig ito mukhang makakagawa ako ng dictionary sa mga words mo hehehe ^^
Back to top Go down
http://ladybarizta.multiply.com/
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 11th 2009, 1:15 pm

wow.. Smile.

creepy, kakatakot, kakailang naman halos lahat ng mga buildings.. lalo di ka familiar sa lugar at nag-iisa at gabi pa.. may gulay.. baka nanigas na ako sa upuan ko.. kung ganun ang nangyari... or tulad if ever pag mayrong kailangan tapusin at nag-iisa na lang sa office na merong gumagala.. (diko sila nakikita kasi, at ayaw ko din naman hehehe) gawin mo lang ang dapat gawin.. tas umuwi.. or kaya patugtog ka ng music at mag-iwan sa kilalang guard na andun ka nakaduty pa din.. hehehe. wag lang ma-doppelganger yung guard na binilinan mo.. hehehe

asteeeeeeeggggg mo talaga pareng pat.. hehhe.
more.. more.. more.. bouncing

namimiss ko nga yung wento mo dito.. heheh.
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 13th 2009, 1:03 pm

another true ghost story galing sa isang blog:

Kamakailan po lamang ay nagpunta ako sa Mataas na Kahoy, Batangas upang dumalo sa kasal ng bespren ko na naka-biktima ng Batangenya at suwerte naman ang loko dahil pinatulan siya nito hehehehe. Siyempre, super-charge na ulit yung "Makoy Super-duper high-tech spycam" para kung sakaling may interesanteng bagay akong makita sa paglilibot ko sa Batangas, kuha agad ng gigicam spycam ko!

Pagpasok ko sa simbahan ng Mataas na Kahoy, alam nyo na naman kung ano ang una ninyong gagawin pagbaba ng sasakyan -> hanapin ang CR! At sa pagtatanong ko naman doon sa medyo masungit na mataray na matandang babae na katiwala noong simbahan, natunton ko rin at CR nila na mukhang background ng "Silent Hill" na video game sa Playstation dahil nakakatakot ang mga nakasulat sa pader. Parang isinulat sa dugo ang mga letra! Ngiiiii!

Heto po ang kuha ng spycam ko sa kubeta ng simbahan sa Mataas na Kahoy:



As in, nakakakilabot talaga. Ever! Pero mas kinilabutan kami noong makita namin ang reflection ni Lorenzo Makoy sa salamin, may nakatayong lalaki na naka-barong na unat-na-unat na pinapanood si Makoy habang kinukunan niya ang kubeta ng simbahan. Niyaaaaaaah! May kasama ako sa CR! Eeeeeeeeek! Weeeeeeeeh! Kung ganon, nakita niya ang aking bird habang nagwi-wiwi ako sa CR! Aaaaaaaaaarrrgh!



For More Information:
http://lorenzomakoy.blog.friendster.com/2006/10/multo-sa-batangas/
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 17th 2009, 11:05 am

sayang, diko makita yung picture. ahahah. makikita ko din siya... abangan ko lamang.

waaaaahhhh.. ghost magnet ka yata talaga.

more..more..more.
thanks
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 11:33 am

pulot ko lang sa ibang forum
------------------------------------
The Death of My Friend's Father


Hindi ko alam kung may nag-post na nito pero post ko na rin. Nakakahilakbot. Ang kwento ng isang nag-aaral sa La Salle .

Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigimik ang barkada.


Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.

Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng ilang minutong usap-usap, nagkayayaan nang umuwi. Maiwan daw muna ako at pakibantayan ang kanyang ama habang inihahatid nya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng ospital. Lumipat ako sa gawing kaliwa ng kama ng kanyang ama para ilapag ang mga iniwan nilang mga gamit na kakailanganin ng magbabantay sa ospital. Nang akmang ilalapag ko na ay biglang nangisay ang matanda.

Hinahabol nya ang kanyang hininga... Kinuyom nya ang kanyang palad at paulit-ulit siyang nagsalita ng wikang intsik na hindi ko maintindihan.

"Di ta guae yong khee"..... "Di ta guae yong khee"... "Di ta guae yong khee".. paulit-ulit nya itong binigkas bago siya malagutan ng hininga.

Pagbalik ni Gilbert ay patay na ang kanyang ama. Ikinagulat nya ang pangyayari ngunit marahil ay tanggap na rin nya na papanaw na ang kanyang ama. Walang tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ngunit iyon na yata ang pinakamasidhing pagluha na nasaksihan ko.

Nagpa-alam muna ako, dahil siguradong magdadatingin uli ang kanyang mga kamag-anak.

Sumakay ako ng taksi pauwi. Habang nasa taksi.. tinawagan ko ang iba pa naming kabarkada. Una kong tinawagan si Noel Chua. Dahil marunong si Noel mag-intsik, tinanong ko muna kung ano ang ibig sabihin ng "Di ta guae yong khee".

"Huwag mong apakan ang oxygen. "... "Bakit saan mo ba narinig 'yan?"
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:13 pm

^^ yap, nabasa ko na yan pero totoo po ba yan? or a joke.. hehehe

bad me.. bad belle.. sa katakot na ghost stories yata.. hehehe
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:19 pm

Pulot
---------------
teletech bacolod...children...crawling....


This happened way back 2007;may bagong site yung callcenter namin dun nung employed pa 'ko ; so as we all know sa callcenter industry madali mo makaclose ang lahat so naging friend ko yung isa sa mga tenured trainer samin.

She went there to help the newly hired trainers regarding averything about the account.Well dun nga sa site na yun dati daw bago tayuan ng stablishment may pamilya daw na may may-ari ng lugar na yun;the story is the developer tried to buy the whole place but the family refused to sell it.The family was murdered for an unknown reasons..

Years pass by and then yun nga pinatayuan na ng stablishment yung buong lugar.


Til One day while busy ang lahat sa training room;the lights just went out suddenly;so they wait inside kasi pag alang ilaw di ka makakalabas kasi down din yung system pati yung sa I.T so di ka makakalabas kahit
may access card ka.

Then all of a sudden the whole class heard something sa ceiling sa noice screeeecccching(like The Grudge creepy sound),after nung sound bigla tumahimik bigla lahat;Tapos while nagbi-blink na yung lights They
saw children na gumagapang sa kisame white yung mga bodies nila,nag freak out lahat nag rush sila sa pinto screaming their lungs out sa sobrang takot,yung friend ko walang nagawa natulala nalang sa nakita nya,nung nagkakagulo na lahat biglang nagkailaw na and lumabas silang lahat sa training room.

Ilang days di nakapagsalita yung friend ko dahil sa shocked,and na-delayed yung opening sa site dahil sa nangyari.....
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:23 pm

yay... baka ganun din ang reaction ko if makawitness ako ng ganyan..^^

tulala Shocked
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:25 pm

Pulot mejo mahaba
--------------------------
kotseng kuba




(eto ung actual na kotse sa kwento)


bale ganito kasi yan...

di pa naman katagalan nung makakauha kami ng kaibigan ko ng volkswagen 1960s model. two tone blue and white ang kulay niya. in good running condition sakamalinis at carpeted ang loob (not like ung ibang beetle na ung upholstery eh mga synthetic)

so ayun... ayus nman to nung una... wala pa ko naging problem so far..

and then 1 time, nung may pupuntahan sa baguio yung kaibigan ko, sa BGH (Baguio Gen.Hosp), may kukunin siyang mga gamit pang hospital din. cheif med tech kasi din siya sa CIC hosp naman samin sa Nueva Ecija.

bago kami umakyat ng Baguio, pinakacheck muna namin itong kotse. so di ok na. wala nang posibleng maging prob unless maflat tire nalang o kaya naman eh sadyang malasin at mahulog sa bangin ng baguio... hehe...

so ayun, bale 5pm kami umalis sa Cabantuan, Nueva Ecija nun kasi hanggan 4pm ang duty ng friend ko. eh di byahe kami ngayun... on the way pa lang kami nang maramdaman kong hindi maganda yung aura sa loob ng kotse.. (kinakabahan ako na hindi ko alam)

pinilit ko naman gawin palagay yung sarili ko kasi may kasama naman ako. ang hindi namin alam eh bukod samin dalawa may iba pa pala kaming kasama sa loob. malayo layo na rin kami, La Union na... so i decided na pa'gas muna before kami tuluyan umakyat...

bago dumating sa Junction, ngpa'gas kami sa may shell dun. malapit sa mga kainan. fulltank na ulit..

nang paliko na kami sa Junction going left (left : Marcos highway / right : kenon road) biglang namatay itong kotse. to think na kakapa'gas ko lang ha....
dahil sa pagod at ngawit na rin, dahil malayu layu n rin yung byahe sabi ko magkape muna kami ng kasama ko...
tinulak namin paatras yung kuba hanggan sa mahinto namin sa tapat ng isang tindahan. pag'upo ko, habang yung kasama ko naman eh sumisilip silip sa mga kaserolang may mga ulam ulam, lumapit yung tindera. para kunin yung order kasi wala pa naman ibang kostomer, kami pa lang 2.

sabi ko "kape lng po"

ito na... dito na nagsimulang nadagdagan ang takot ko...

pagbalik ni ate(tindera) dala ang kape. napansin ko 3 tasa ang dala niya...
so sabi ko... "dalawa lang po" that time nakaupo na rin yung kasama ko at hinihintay rin yung order niyang kanin at ulam....

sabi ng tindera: "ai dalawa lang ba? akala ko kasi magkakape rin si ate?"
sabay turo sa sasakyan....

d*mn!!! dun ako talagang napaatras sa kinauupuan ko sabay tingin sa tinuturo ni ate.
di na kami nakakain at hindi na rin namin natapos inumin yung kape...
nagbayad kami at pinabalot na lang yung binili namin...

mga past 7pm na nun. so sabi ko, (nagpalakas na lnag ako ng lob dito ha...)
"tara alis na tayu.. baka tinatakot lang tayu nito eh.."

nung pagbalik namin sa kotse...
ayaw pa rin niya mag'start...
so sabi ko "tol, kaw nga mag'start, tignan ko lang un karborador baka lunod na eh"
eh di nasa likod na ko sabi ko "sige tol, start mo"
1 klik!! start agad... so baba siya... sakay ako sa driver seat habng
imikot siya para sumkay sa passenger seat... pag'upong pag upo niya,
namatay ang kotse...

so balik ulit.. "tsk! dito ka ulit tol!" sabi ko...

start ulit... ganun ulit andar... ikot ulit siya. upo ako sa driver... uupo pa lang siya ulit... mamamatay...

asar na ko....

"tol, start mo tas diin mo sa pedal ha, wag mo gagaanan ang tapak, mukhang mataas ang minor eh"

sabi ko nalang na nagpapalakas ng loob.

start ulit... habang kasi iniistart eh nasa likod akot tinatakpan ko ung butas sa carburador para hindi hanginin.. nakita ko lang kasi sa tatay ko un. epektib naman.. ang pinagtataka ko lng kasi... pinacheck up at pinakondisyun namin yun kuba before lng kami malis ng Nueva Ecija...

eh di sige, start ulit... pag ikot niya mamamatay ulit...

asar na asar na ko talaga at pawis na pawis na ko...

sabi ko, "geh pag start iabante mo na dahan dahan at tatakbo na lang ako"
(pasakay sa passenger seat)

ganun nga ginawa ko... start niya andar ng konti pag upong pag upo ko...
namatay ang kotse...

so iba na talga to...

to think na wala naman kinalaman ang upuan sa engine d b?
eh di cge... paulit ulit lang na ganun...

nang sobrang pagod na pagod na ko... sabi ko nalang...
"sige tol, drive mo muna dahan dahan, sabayan ko nalang..."

tinitignan ko lng kung talagang sa upuan nga nati'trigger ang kababalaghan...

eh di umandar ulit ung kuba... hindi ko na tinakpan o kung anu pa man
ang ginalaw ko sa makina... wala dun ang dipresya, naisip ko na...

nung naglalakad ako.. sinusundan ko yung kuba... dun ko na lng napansin
na malayu layu na rin pala yung narating namin, kakatakbo't sakay...

napakadilim nang daan at wala na halos dumadaan sa marcos highway ng ganong oras...

nang medyo pataas na, huminto ung kuba sabay handbreak at baba nang kaibigan ko:
"tol ikaw na lang magdrive..." nang magsalita siya utal utal na at
halatang takot na takot sa pagmamadali pa lang na lapitan ako...

"cge cge" sabi ko naman...

"tol tara sakay k nga subukan mo!"
sigaw ko sa kaibigan ko...

pagsakay niya namatay....

"di pa rin pwede" sabi ko

dito na ko bumulong nang dasal na sana eh pumayag naman kahit makarating lang kami sa baguio o kung san mang safe na lugar...

hinto ko ng volks... baba ako...
upo kami sa harap. sa hood ng kuba...
dito ko kinausap ung kasama ko...

"tol,walang diprensya ang makina, ok lang naman siya eh. di ko naman
ginagalaw talaga kanina.sabi ko lang baka lunod pero minsan ko lng yata
tinakpan ung karborador eh..."

"may iba nga tol tayu kasama" sabi niya....

dito na niya sinabing kanina daw nung sumasabay ako na naglalakad, may
parang bumulong sa kanya.. hindi daw niya naintindihan kasi nilamig
siyang bigla sabay takbo na pababa.. (buti nga naisip niya i'hand brake)

so ayun na..
alam n namin pareho n hindi lng talaga kaming dalawa ang laman ng kotse...

dito ko bumalik at naglakas loob na magsalita mag'isa...
"makisama ka naman, kahit hanggang baguio lang. pagdating dun cge, iwan k na lng sa bahay tas mag'te'take a ride na lang kami"

i'm talking to the car na para kong *****...

sabi ko sa kasama ko na sumakay na...

pag sakay niya namatay pa rin...

DAMN!!! hindi nakisama!!!! pahiya ako!!!

"ai bro, subukan mo nga sa likod maupo. ayusin natin ung mga gamit..ilipat ko ung bag sa harap." (sa trunk)

so start ulit... ganda nang ridondo ng makina eh... nih hindi nga humahagok eh.....

so pagkaayus namin ng mga gamit... sakay na kami... yung kaibigan ko
ngayun sa likod na nakaupo siniksik na niya sarili niya sa upuan sa
likod kasama iba pang gamit namin...

maayus n naging takbo nang kotse... ok na...

pero kaming dalawa, walang nagsasalita samin...
nakikiramdam lng sa kung anu man posibleng mangyari sa loob...
napakadilim sa labas... may mkita ka man na kasalubong eh yung malalaking truck na pababa...

nakakita ulit kami ng tindahan...
may nakaparadang trak malapit din dito...
may nakita kaming nag'huhugas ng sasakyan gamit ung hoss...
so baba kami, uhaw na uhaw ng ko sa pagod malamang...
di bumli ako ng softdrinks... kasi wala mineral water eh...
wala din daw "setu" (C2) hehe!

nang umiinom kami... naisipan ko tutukan din nang hose ung kotse...
mahugasan man lang yung alikabok..
habng naghuhugas ako ng sasakyan di ko naiwasan mapatingin sa bandang paseenger seat... dun ako pinangilabutan ng husto...
may naaninag ako sa likod ng agos ng tubig sa hoss na humuhulas sa
windshield ng kuba.. image ng isang babae... nakapulang t'shirt na
hindi ko makilala ng mukha niya...

not that typical na white lady o black lady ha...
isang pulang tshirt ang nakita ko sa kanya...nakatutok pa rin ang hoss
sa windshield nung tapikin ako nang kaibigan ko. "huy! yung bote
gumulong na!"

dun ko nalang napansin na nabitwan ko yung bote ng softdrink na hwak ko at gumulong papuntang gulong... buti nakalso siya dun...

nung kunin ko un... dun ko napansin ang kakaibang amoy...
hindi natural na baho... napakasit sa ilong...
nakakarimarim na amoy... nakakasulasok...

naduwal ako!!! sobra akong nahilo...
so umalis na kami...

ung kaibigan ko na yung nagdrive... sa likod na rin ako naupo...
lamig na lamig ako... bukod sa nilalamig ako dahil sa malapit na kami sa baguio eh alam kong hindi natural na lamig to...
sabi ko, nabati ako... nabati ako nito...
saka ko nagsalita... "pasensya ka na, hindi ko naman alam na andiyan ka"

saka ko nagdasal... hindi sa hindi ako nagdarasal ha...
nagdasal ako para sa babaeng nakita ko...
marahil disturbed talaga yung spirit niya...
di ko alam kung matagal na siya dito sa loob ng kotse, o isa siya sa mga sumasakay sa mga nadaraanan nming lugar....

after ilang minuto,parang akong nagdahilan lang..
biglang pinapawisan nako sa sobrang inti sa likod...
nakasiksik ba naman ako sa mag gamit namin eh..
nakita ko, malapit na na kami...
maliwanag na... may mangilan mngilan nang ilaw sa gilid ng daan...

ayan na... Baguio na..

we decided to park sa Petron... sa ilalim ng pancake house dun...
sabay panik at nagmiryenda ulit...
tapos saka nmin kinausap ung guard na iiwan muna namin saglit ung kotse
at pupunta lng ng BGH... malapit na lang din kasi... (walking distance)

pagbalik namin sa sasakyan... galit yung guard...
"iniwan niyo yung kasama niyo di nyu man lng iniwan bukas yung binta, init na init na yun..."

we ended up taking a ride ignoring the guard...

di na kami muna bumalik sa kotse...
sabi ko nalng safe naman siguro un dun at 24hrs naman yun at laging my banta...

hapon na kinabukasan ng balikan namin, pauwi n kami ng nueva ecija ulit
at wala na rin yung guard na galit... though napagalitan pa rin kami
kasi bawal mag'iwan ng ganun katagal dun sa petron... (overnyt ba naman
eh)


bumaba kami ng NUeva Ecija nang nasa likod ang isa at isa ang nasa harap....


hangan ngayun, sa tuwing uuwi ako sa Nueva Ecija at gamit ang Volks...
malimit na walang pwedeng sumakay sa harap kahit makipatong man lang ng bag oh anu man...

pero minsan kinakausap namin na kung pwede kahit sandali lang...
minsan pumapayag naman... minsan lang talaga ayaw...
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:35 pm

hay, grabe ka pat.. saludo ako sa tapang mo tsong.. salute
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:39 pm

uy belle regular visitor k na ah heheheh Very Happy

eto pa ulit pulot ulit
-----------------------

Baguio EXP

This was last 2001, its my 1st time na pumunta ng baguio with friends..

To start wento muna ako bkit napunta kami sa baguio, Ung best friend ko c Carlo.. May GF sa baguio, eh pupunthan daw nya niyaya nya ako kc wala xa ksama, eh may pasok kami nun, naka dorm kami d2 sa malapit sa school nmin, (AUF) angeles university foundation. edi d ko nman xa iiwan so sumama ako d kami pumasok for 4 days, haha adek lang noh.. nasa baguio kami with my other friend c DON. so 4 kami, Me,Don,Carlo and her GF,
Alana.

pumunta kami sa Padis shoting shoting.. bad boy p ako nun eh.. heheh.. after padis deretcho albertos yta un, bsta may AL un name nung bar.. naka sami na kami inum.. eh nag trip kami. not knowing Carlo's GF Alana nkaka kita xa. well binibiro nmin xa kala nmin d man 22o. so nag abang kami taxi may pupunthan daw kami.. eh ako lasing na medyu kaya malakas loob.. hanap ako taxi nyan..

the freeky part is lahat ng taxi na tnatawag ko pag cnbi ko ung place ayaw nila. uuwi na daw cla. almost 7 taxi ung tnawag ko na ayaw.. last naka hanap aklo taxi ung mga FX type.. so ok na naka upo c Carlo and GF sa front seat, kami ni Don nasa likod nila eh FX may pinaka likod pa yun dba.. but before kami umalis, ung driver open nya hood ng sasakyan and check the lights and breaks, dun ako bgla natakot. tpos tpos.. edi umandar na kami, nun nasa madlim na kami dun sa place bgla ako kinilabutan c alana nman nka yuku lang ke carlo kami nman sa likod ni don parang wala lng khit nkaka takot xa eh lasing eh kunwari matapang hahaha.. nag joke joke pa kami, open ni Don ung window,, cnigawan xa ni Alana. wag daw kmi cra ulo. edi cnara nman nya. tpos bgla sumigaw c alana tpos tnakpan nya ung bibig nya ni Carlo, sabi ni carlo wag kang sisigaw nagugulat ako.. asan xa?? may nkita kna?? un ang tnong ni carlo. nka ipikit c alana and umiiyak sabi lng nya i told u wag na tyu punta d2. edi pna balik nnmin, along the way nanginginig c alana. tpos concern naman kami syempre nag tatanong kami what happen if san xa nkakita.. sabi lng nya don't look back.. eh papogi epek kami, sabay kami 2mingin ni Don sa likod guest what!!! 2malon kami sa harapan ng FX amf! imagine 5 kami nasa harap ng FX!!! have a clue what nkita nmin?? someone.. may nka upo sa pinaka back ng FX and amf muntik na ako 2malon sa FX.. sabi lng ng driver wag nyu kc pansinin aalis din yan, pag daan ntin sa ilaw mwawala na yan.. wala ng tumingin kung nwala nga xa or hindi ayaw nmnin 2mingin sa likdo malay ko ba nag pnta nnman sa next seat weh!! e2 ung pnaka ayaw ko na EXP ko kc d ko un alam. at d xa from d2 sa haws nmin. sa haws nmin kc medyu nasanay na ako pero un TANAYDANA!! hahahaa... and by the way the place na pinunthan nmin was called Salawakan Road..
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:50 pm

Call Center

Sa panahon ngayon madami ng naglipanan na call center sa pilipinas dahil nga cguro mura ang bayad ng mga kano saatin kaya madami nadin nagttrabho dun kc malaki dun sweldo nagkalat kalat ang mga companya na 2 dba kung san sang buildng nagtatayuan mapaluma o mapabago.. anyways kkwento ko lang ang experience ko sa isang call center.. and ang title nga pala ng story ko "BATA sa CALL CENTER"

ok game...
nagttrabaho din ako sa isang callcenter sa makati cguro ive bin der for almst 5 months na. nung mga ika 2wiks ok asa ??th flor ako ..dun pa kc ung trning namin product specs baga...

tapos after dat nalipat na ako sa mataas na floor kc dun ang production floor namin mejo madaming tao dun maingay magulo nagttawanan yung iba malalakas magcall nung isang beses habang nagccalls ako.. napapansin ko humihna volume ng pc ko pero hindi ko naman sya gnagalaw cguro mga every 30-40 mins nangyayari yun pero bnabaliwala ko lang sya dun ako banda sa likod nakapwesto nun eh kung san wala masyadong tao ..

kasi ayokko ng maingay dahil nagugulo ako hindi naman ako natatakot pagnanyayari yung paghina ng volume pero isang araw pagpasok ko gumanun nanaman sya parang lagi nlng sya ganun..

ginawa ko tinitigan ko mabuti yung switch ng volume at tnitigan ko kung mgglaw ko ba o hindi napamura ako bgla "Tannnng iiiii %%@@" nagulat ako pero mahina lng kinabahan na ako nung tym na yun at cympre mejo natakot na din .. hehehe..

sabi sa isip ko "Prang may mali" lmipat ako kaagad sa may bungad malapit sa pintuan... tapos hndi na ako nagpost ult dun..

makalipas ang mga 1 wik may nrrinig ako na mga bbae nagkkwntuhan sabi nila


"nakit mo ba yung bata dun?"
(anong bata?)
"yun oh yung nakaupo"
(wala naman!)
"ano ka ba ako malabo na mata ko pero nakkta ko sya"
(eh wala nga ako nakikita)

nung narinig ko pinaguusapan nila tmiingin ako dun sa dulo(kung san ako nagpopost) ay oo nga may bata.
nakatitig sakin at nakangiti ..

namputcha takot na takot ako. gs2 ko ng umuwi nun araw na yun..

kinabukasan pagkapasok ko tinanong ko yung guard 2ngkol sa history ng buildng na yun sbi nya meron dw dun batang namatay dati dahil daw sa.....

huminto yung gwardya sa pagkkwento

nung tym na un na napahinto sya nagets ko na ..

kng bkt ayaw nya ikwento dahl pag kmalat yun massibak sya sa trabaho cguro s.o.p ng myari ng bldg un. pero pagkatapos ng exprience na nangyri sakn hinding hindi na ako napagawi sa post na yun..

eh ikaw tanong ko sayo sa callcenter na pnagttrabahuhan mo ba cgrado kbang buhay lahat ng katabi mo o nakksabay mo sa elevator ?
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 1:58 pm

Difference between a black lady and a white lady

Sabi nila, as long as ghost ang pinaguusapan, parepareho lang. lahat sila nakakatakot. But in my experience, i proved it was wrong. hindi ako masyadong pinagpapakitaan ng mga ghosts or other stuffs about paranormal.
Pero this time, it wasn't normal.

This happened when i was 7y.o. it was around 1pm at that time nung maligo ako. since feel ko, i was still a child, naliligo ako sa terrace namin dahil may drum don. (dun ako nagbababad.). My aunt, uncle, and my cousin was in the living room. doon sila natutulog kasi presko. paglabas ng living room namin, malapit lang ang drum na pinagliliguan ko. Sa tabi ng pinto, about two steps away from it, bintana na, and katapat ng bintana yung drum. Habang naliligo ako, i saw a shadow pass through the door. pero di ko sya pinansin. Dahil naisip ko, baka sila tita lang yun. Naisip ko rin na, baka tinatakot ko lang sarili ko, since matatakutin talaga 'ko. medyo nagmamadali na ko maligo, after one minute, infront of me, was a black lady. hindi kaagad sya dumirecho sa pader na pupuntahan nya. instead, nilingon nya pako. and looked at me. about 24inches lang ang layo nya sa muka ko. Pero wala kang makikita sa kanya. itim lang talaga sya. parang madre na nakatalukbong. Dun ko naramdaman na namutla na talaga ko. Lumabas ako agad ng drum na pinagliliguan ko, and she was still there. tumakbo ko
papunta sa lola ko, and she told me na, ang mga black lady daw ay mas masama kesa sa white lady. ang mga white lady daw kasi, di pinapansin ang mga tao. pero ang mga black lady, pupunain ka talaga nila. just
like what happend to me.
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 2:00 pm

This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha’s point of view.

“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels,
ito binabasang letter “V” - Maria


MORITVM TE SALVTAMVS
EST DEXTRVMI CVRITE
AVE VERSVS CRISTVS
VERVM DE TREVI

VERMI EST REFLEXVM
ARVM DRI TRIPVM
DEXTRVMI LENTENVM
AVE SATANI

Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay…

September 12, 2002…
Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.

“Para!”

Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at
bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

“Eto pong bayad, dalawa galing Tanza.”

Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

“Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo”

Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.

“Tricycle!”

Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.

“Sa Novero po”

“Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle”

“Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama.”

. . . . . . . .

“Dyan lang po sa may gate na blue.”

Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niyang wallet.

“Ma…, Pa…, nandito na po kami!”

Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si Maria naman ay dumeretso sa kwarto namin.

May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at papa, nagpunta sa Laguna para asikasuhin ang titulo ng lupa namin doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa Laguna tungkol sa lupa namin nuong mga panahong iyon.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot niya kanina.

“Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng lupa natin doon”

“Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet.”
“Ano yan?”

“Ewan ko, baka anting-anting”

“Latin yata yan eh.”

“Ewan”

Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin. Biglang inagaw sa akin ni Maria ang sulat.

“Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay
binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga
vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter
“V”

“Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin?”

“Basta alam ko yan”

“Sige nga.”

“MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM
DE TREVI, VERMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE
SATANI”

“Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako”

“Martha anong miryenda?”

“Miryendahin mo’ng mukha mo!”

Pumunta ako ng kusina, binuksan ang refrigerator at naghanap ng maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng kwarto namin. Mga bandang ala-sais kwarenta y sinco na nang bumalik ako sa kwarto namin.

“O, akala ko ba magmimiryenda ka?”

“Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang ako lumabas.”

“Nagugutom ka ba?”

“Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom”

Pagkasabing-pagkasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya dali-dali siyang nagtungo sa banyo namin sa kwarto at sumuka sa lababo.

Makalipas ang ilang minuto…

“Mmm...arthaaa! Mmm…arthaaa!”

Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang pagkakasigaw niya noon sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatakbo papuntang banyo.

Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at ang isa ay hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak sa harap ng salamin.

“Baket?”
“Anong nangyari?”
“Maria napa-ano ka?”

Sunud-sunod kong tanong kay Maria.

Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggang sa bigla na lamang akong natakot at kinabahan sa sumunod na nangyari…

Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig. Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot.

Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng makita ko ang nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganito si Maria ng walang mabigat na dahilan.

Kinabukasan…

“Kring…kring!”

Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw maayos iyon bago umuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24 (ibig niyang sabihin, September 24, 2002).

Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang ulit ko na ring pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa banyo, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga tanong upang maiba ang usapan.

Dumaan ang Sabado, Linggo at sa wakas Lunes na naman. Pasukan na naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na lamang daw ang pumasok at ipagpaalam ko raw siya sa aming mga instructors.

“Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi ang pakiramdam ko.”

Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga.

“Too-toot, too-toot!”

One message received. Si Maria.

“Nwa2la ung ID me. Ndi u b ndla?”

“Nope. Ala skin ung ID u. Bka nsa bag ng mrumi mong dmit. Ppsok n b u?”

Walang na akong narecived na text mula kay Maria nung araw na yun. Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria.

“Oi, wat hapend 2 u? Msma p b pkiramdam u? Kla me ppsok n u knina?

Wala pa ring reply.

Siguro wala nang load si Maria.

Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang ang pasok namin nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at umuwi na sa Cavite City.

Pagdating ko sa bahay…

“Maria!”

“Maria!”

Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy bulok na laman.
“Ang baho!”

“Maria……….Maria!”

Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin.

“Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga.”

“Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan.
At matapos masagasaan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na
namatay.”

“Eh bakit hindi inilibing?”

“Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman mailibing ng ibang kapit-bahay dahil naka-lock ang gate.

“O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?”

“Malay ko.”

“Naku isara mo nga yang bintana para hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka.”

Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan na ako. Ayaw sumabay ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain.

Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas. Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko ang amoy ng namatay na aso sa kabila.

Nang nahiga ako, amoy parin ang baho ng patay na aso. Dumikit na yata sa kama namin ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener.

“Bat hindi ko naisip yan?”

“Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man lamang naisipang mag-spray ng air freshener.”

Kinabukasan…

Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala.

“Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman natatakpan ng plato.”

Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw.

Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko papuntang dorm. Balak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog kahit ala-una pa ng Lunes ang pasok namin ni Maria.

‘Ikaw hindi ka ba sasama?”

“Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan. Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba.”

“O sya paano? Uwi na ako sa dorm?”

“Sige.”

Lunes, magtatanghali na. Hindi pa rin bumabalik ng dorm si Maria. Sinubukan ko mag missed call.

“Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload your phone immediately.”

Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria.

“Oi, nsan n u?”

“Nsa bhay p me. Hndi me nkapaglaba ng dmit khapon dhil ala ng tubig. Ngaun plang me ngla2ba.”

Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building namin. Pagdating sa dorm,nagpahing na ako. Mahaba ang tulog ko noong araw na iyon. Marahi nga ay dahil sa pagod.

Miyerkoles, September 25, 2002, 9: 23 A.M.

Ngayon ang araw ng paguwi nila lola mula sa U.S. siguradong may pasalubong kaming stateside. Eto rin ang araw na nagpagimbal sa akin.

Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang number ang nagregister sa cellphone ko nang binuksan ko, si Mama pala.

“ANG KPATID M PTAY N. UMUWI K AGAD. – MAMA”

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi nararamdaman ng katawan ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala. Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nagayos ng gamit at umuwi na. Hindi man lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba ang taong iyon, o si kung mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip na magreply sa number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi.

Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin kong nakalabas ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at maraming tao. Hinanap ko agad si mama. Nakita ko siyang umiiyak at may binabasang papel. Nang tiningnan ko, isa pala itong autopsy result. Pina-autopsy nila ang bangkay ni Maria.

“ Ma…anong nangyari?”

“Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay?”

“Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria?

Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig. Ayon sa result labing tatlong-araw nang patay si Maria. Natagpuan siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na.

Nanginig ako. Nanlamig. Sino ang nakasama ko sa bahay nuong umuwi ako noong Huwebes? Sino ang nakatabi ko sa pagtulog? Sino ang nagrereply sa mga texts ko kay Maria? Natatakot ako, kinakabahan. Lalo pa ng makita ko ang kapitbahay namin.

“Psst…Tagpi! Labas dito!”

Si Tagpi. Ang asong sinabi ni Mariang nasagasaan at namatay sa kulungan.



Hanggang ngayon ay malaking palaisipan parin sa akin ang nangyari kay Maria. Malaki ba ang kahulugan ng sulat na napulot namin sa bus? Sinubukan kong hanapin ang kahulugan ng salitang Lating iyon at ayon sa napag-alaman ko, ganito ang kahulugan noon:

Ang salitang MORITVM (moritum) ay nangangahulugan ng kamatayan, ang
SALVTMVS (salutamus) ang nangangahulugang to salute or to give honor,
TREVI means life, ang AVE VERSVS CRISTVS (ave versus cristus) means
hail the anti-christ, ang REFLEXVM (reflexum) ay nangangahulugang
reflection, ang DEXTRVMI LENTENVM (dextrumi lentenum) means there will
be a wake (lamay) after thirteen days at ang AVE SATANI (ave satani) ay
nangangahulugang hail Satan.

Sa madaling salita, ito ay spell. Ayon sa aking nabasa, ito ay ginagamit ng mga tao upang magpakamatay. Ginagamit rin nila ang spell na ito upang ihain o ihandog ang sarili nila sa demonyo upang magkaroon ng masaganang ani ang kanilang maiiwang pamilya. Sa loob ng labing tatlong araw ay makikita mo ang taong nagbasa nito ngunit ang totoo pala ay ito ay isang repleksyon lamang niya. Matatagpuan nalamang ang katawan niya thirteen days after reading the spell.

Ngunit isa sa ipinagtataka ko ay bakit hindi naman nangyari sa akin iyong nangyari sa kapatid ko? Nasagot rin ang tanong kong iyan. Ayon sa librong “The Latin Mystery” ni Johannes Burnt, mahalaga raw ang paraan ng pagbabasa. Marahil isa sa nagligtas sa akin ay ang kamangmangan ko sa pagbabasa ng wikang Latin.

Teka lang… Saglit…

Maiba tayo…

Ikaw binasa mo ba ang sulating Latin na nakapaloob sa kasaysayang ito? Mali kaya ang pagkakabasa mo? Pareho kaya tayo? SANA…
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator
avatar

Female
Dami ng Post : 4209
Puntos : 4115
Salamat : 7
Lokasyon : malapit sa tabi mo..
Nagpatala : 2008-02-08

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   February 24th 2009, 2:59 pm

hahaha.. bad ka pat. hehehe.

diko binasa.. buti na lang.. kasi wala akong alam sa Latin.. heheh.

yung mga dasalin nga sa latin.. naaasar ako minsan.. hehehe.
diko kasi maintindihan... ang hirap :p

regular visitor talaga ako..
tinatakot sarili???? hahaha
Back to top Go down
tagubilin
Senior Member
Senior Member
avatar

Female
Dami ng Post : 1510
Puntos : 3659
Salamat : 4
Lokasyon : super novalichessss!
Nagpatala : 2008-04-13

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   March 8th 2009, 1:55 am

oi pat alam mo saan ako mas hanga sauuu????

ang tiyaga mo mag type ng mahaba para sa mga readers mo ahahaha

ang hirapa kaya nuon nkakangalay sa daliri Very Happy


nice story ;D

brrrr katakot ;-S
Back to top Go down
http://ladybarizta.multiply.com/
darkuranus
Junior Member
Junior Member
avatar

Male
Dami ng Post : 546
Puntos : 3506
Salamat : 3
Lokasyon : naga city
Nagpatala : 2009-04-04

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   April 5th 2009, 7:23 pm

ows????
Back to top Go down
http://darkuranus.multiply.com
kimlei sette
Newbie
Newbie


Female
Dami ng Post : 1
Puntos : 2848
Salamat : 0
Lokasyon : pilipinas
Nagpatala : 2010-05-06

PostSubject: indi ako naniniwala sa multo   May 6th 2010, 3:00 pm

indi ako naniniwala sa multo dahil sa bible namin ang sabi ay ginagaya lang ng demonyo ang mga patay at ang mga boses nito ang mga demonyo yun ung bumaba sa lupa para sa magagandang babae and indi sila bumalik sa langit alam mo ba kung bakit?? kasi alam nilang indi na sila tatanggapin ng diyos kaya nanggugulo na lang sila !!
Back to top Go down
blood_in_mud
Newbie
Newbie
avatar

Male
Dami ng Post : 64
Puntos : 3323
Salamat : 0
Lokasyon : Pilipinas
Nagpatala : 2009-01-16

PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   September 13th 2011, 4:17 pm

kamusta mga pipol matagala akong hindi nakabisita dito ah, update ulit ng mga nkakatakot na kwento hehehehe
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Nginiiig!!! - Index Pg1   

Back to top Go down
 
Nginiiig!!! - Index Pg1
Back to top 
Page 3 of 3Go to page : Previous  1, 2, 3
 Similar topics
-
» COURT INDEX AND DOCKET - DENNIS MANUGE v. HER MAJESTY THE QUEEN
» Phpbb3 Avatar Index
» Avatars in Index [PhPBB3]
» Index with last posts inside a box - INVISION
» Hide a forum from Index Page?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
kABaTAanG pINoy :: Pluma at Papel :: Writer's Haven-
Jump to: