kABaTAanG pINoy

kiLOs kaBAtAaN... kAiLaNgaN Ka nG baYAn!
 
HomePortalGalleryArcadesRegisterLog inSearchFAQ
Latest topics
» Junior and Senior Programmer we are Hiring.
May 15th 2012, 3:03 pm by jafdynasty

» *How important is Jesus to you?*
May 5th 2012, 2:49 pm by James307

» JESUS SAVES!
April 19th 2012, 11:59 pm by James307

» WHEN YOU IGNORE THE WORD OF GOD, IT ONLY MEANS THAT...
April 1st 2012, 12:22 am by James307

» Newbie From Bataan
March 13th 2012, 2:59 pm by silip_lang

» -LifE iN middLe eAst-
March 9th 2012, 5:17 pm by dzeixon24

» UNITED FRONT!
February 28th 2012, 11:06 pm by James307

» TAU GAMMA PHI THREAD AND BLOG
February 28th 2012, 11:05 pm by James307

» Tunay na kasiyahan at kapayapaan? basahin mo to
February 28th 2012, 11:02 pm by James307

» "How do you live your life? (Life is too short)"
February 28th 2012, 11:01 pm by James307

» Earn up to 11k a week through online (This is legal)
January 30th 2012, 10:41 pm by James307

» "YOUTH REVOLUTION 2012!"
January 28th 2012, 8:56 pm by James307

» 2 Angeles City frats sign peace accord
January 28th 2012, 8:55 pm by James307

» *The Reformed Roman Catholic (Spiritual)*
January 28th 2012, 8:54 pm by James307

» Why do you Blog?
January 25th 2012, 10:32 pm by jafdynasty

» http://pinoybloggers.co.cc/
January 25th 2012, 10:28 pm by jafdynasty

» Dead Marriage in Thailand
January 25th 2012, 9:29 pm by jafdynasty

» Cellphone Application
January 25th 2012, 10:04 am by jafdynasty

» Cellphone Brand
January 25th 2012, 10:02 am by jafdynasty

» Report: Pacquiao, Yeng C., Raj Venus and Supsup professing C
January 16th 2012, 9:51 pm by James307

» Happy New Year!!!
January 2nd 2012, 1:49 pm by silip_lang

» Logout
December 15th 2011, 12:41 pm by silip_lang

» Login
December 15th 2011, 12:40 pm by silip_lang

» HI (^_^) Dhayan poh!
December 15th 2011, 12:08 pm by silip_lang

» ako po c elmo...my pa2lag??hehe=)
December 15th 2011, 12:06 pm by silip_lang

Top posters
Jhuly (7543)
 
belle (4193)
 
gelay (3681)
 
silip_lang (3646)
 
gneth (3566)
 
mark_7th (2450)
 
Lanyag Clara (2247)
 
onid (2229)
 
bantay (2175)
 
dhayan (1661)
 
Poll
Anung Cellphone Brand ang user friendly para sa inyo?
Nokia
67%
 67% [ 6 ]
Samsung
11%
 11% [ 1 ]
Motorola
0%
 0% [ 0 ]
Sony Ericson
22%
 22% [ 2 ]
LG
0%
 0% [ 0 ]
VodapHone
0%
 0% [ 0 ]
Alcatel
0%
 0% [ 0 ]
Wala sa Nabanggit
0%
 0% [ 0 ]
Total Votes : 9
Who is online?
In total there are 2 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 2 Guests

None

Most users ever online was 15 on March 14th 2012, 7:20 pm
Statistics
We have 464 registered users
The newest registered user is dzeixon_qatar

Our users have posted a total of 50800 messages in 1240 subjects

Share | 
 

 sUiCidE...

View previous topic View next topic Go down 
Goto page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7543
Puntos: 1972
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: sUiCidE...   May 11th 2008, 7:49 pm

"I believe, this roster also tells me that living in a very well off country does not assure you of contentment and happiness in life." - http://rvbolisay.multiply.com

Sa unang tingin maaaring sinasabi nga ng listahang ito na ang karangyaan sa buhay ay hindi magbibigay sayo ng totoong kasiyahan, dahil karamihan sa mga mauunlad na bansa ay nangunguna sa listahan. At ang Lithuania na numero una ay may magandang ekonomiya.

Suicides per 100,000 people per year
Rank
Country
MalesFemalesTotal
1
Lithuania
70.1
14.0
40.2
2
Belarus
63.3
10.3
35.1
3
Russia
61.6
10.7
34.3
4
Kazakhstan
51.0
8.9
29.2
5
Hungary
44.9
12.0
27.7
6
Guyan
42.5
12.1
27.2
7
South Korea
N/A
N/A
26.1
8
Slovenia
37.9
13.9
25.6
9
Latvia
42.9
8.5
24.3
10
Japan
35.6
12.8
24.0
18
France
27.5
9.1
18.0
33
Germany
19.7
6.6
13.0
40
Canada
18.3
5.0
11.6
43
USA
17.9
4.2
11.0
44
Australia
17.1
4.7
10.8
53
Spain
12.6
3.9
8.2
61
Italy
11.4
3.1
7.1
84
Philippines
2.5
1.7
2.1
85
Kuwait
2.5
1.4
2.0

Anong saysay ng paghahangad natin ng kaginhawaan sa buhay kung wala namang kasiguraduhan na ang isang buhay na masagana ay magbibigay sayo ng kasiyahan? Baka hindi naman ang pagkakaroon ng kasiyahan ang problema? Baka talagang hindi nakokontento ang tao sa kung ano mang mayroon siya?

May mga nabasa ako na ang nangungunang dahilan raw ng Suicide ay ang Depression. At ayon sa Word Health Organization, and Depression ang magiging numero unong problema sa taong 2010.

Sadyang pinagpala ang mga Filipino dahil kahit sa gitna ng matinding pagsubok nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpatawa. Maapektuhan man tayo ng depression ay kaya natin itong masolusyunan bago pa ito umabot sa pagpapatiwakal.

Ang pagiging masayahin nga lang ba ng mga Filipino ang dahilan kung bakit mababa ang suicide dito sa atin kumpara sa mga mauunlad na bansa? May kinalaman rin kaya ang ating pagiging "pre-dominatly Christian" kaya napaglalabanan natin ang depression?

Hindi ako sigurado kung ito ay may kinalaman nga, dahil kung titingnan natin ang Lithuania ay isang bansang Kristiyano rin at tulad ng Pilipinas, karamihan rin sa kanila ay mga Katoliko.

Sinilip ko ang kasaysayan ng Lithuania at nagulat ako sa aking nabasa. Kung kailang nakamtan nila ang kalayaan mula sa Communist Soviet nuong taong 1990, dito rin sinasabing tumaas ang mga kaso ng suicide.
Kung kailan sila nagkaron ng kalayaan sa pamamagitan ng isang matagumpay na rebolusyon ay siya ring panahon kung saan sila ay tila nawalan naman ng pag-asang mabuhay.

Magandang pag-aralan ang mga ganitong datos. Dapat na magamit ang mga ito upang mapagbuti ang ating sariling bansa. Hindi kasi sa lahat ng pagkakaton ay kaya nating tawanan na lang ang ating mga problema at minsan - o kadalasan - inaaasa na lamang natin sa "Divine intervention" ang mga solusyon sa ating mga suliranin sa buhay.

Hindi tayo dapat na parang bulag na umaasa na lamang sa biyayang galing sa langit. Hindi masamang Manampalataya ngunit huwag naman sanang hintayin nalang nating umulan ng Pagkain o Pag-unlad o Kapayapaan o Katarungan o di kaya'y umulan ng Pagbabago mula sa langit. Walang kuwenta na tayo'y nilikha ng Diyos at binigyan ng Kapangyarihan upang maging "spoon-fed Christians" lang.

Pananampalataya o idolohiya, ano mang ganda ng intensyon, kung hindi naman nauunawaan ng tao ang kahalagahan ng buhay, bali wala ang mga ito. Kung hindi pinahahalagahan ng isang tao ang buhay siguradong hindi siya maghahangad na umunlad o kumawala sa isang mapanupil na kalagayan. Makaalpas man siya sa kahirapan o sa isang mapanupil na kalagayan ngunit walang pagpapahalaga sa buhay, siguradong pababayaan lang rin nya itong mawala.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagpapanday sa kabuuan ng isang tao. At ang ganitong paghahanda ay dumaraan sa isang proseso. Mabagal... naka-iinip... sino ang kayang pagdaanan ito?



_________________
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator


Female
Dami ng Post: 4193
Puntos: 2000
Salamat: 7
Lokasyon: malapit sa tabi mo..
Nagpatala: 2008-02-08

PostSubject: Re: sUiCidE...   May 12th 2008, 2:20 pm

Saken, di masyadong nakakaapekto ang kalagayan ng isang bansa regarding sa suicide na yan in terms of how productive a nation is.



More likely, kung ano ang kanyang kinalakhan, kanyang kapaligiran, mga taong nakapalibot sa kanya lalo na nung mga panahon na nahuhubog ang isang pagkatao. Di naman halos 100% tumpak, pero mas lesser yung suicidal attempt, saken lamang.. Very Happy
Back to top Go down
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7543
Puntos: 1972
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: Re: sUiCidE...   May 13th 2008, 10:13 am

Tama ka Lola Belle... wala talagang kinalaman ang kalagayan ng isang bansa sa suicide... at ganuon rin siguro masasabi tungkol sa relihiyon... meron man o wala nito ay walang direktang kinalaman sa suicide...

Naalala ko naman ngayon yung tungkol sa isang sekta ng mga Muslim na ang pagpapatiwakal sa ngalan ng relihiyon ay bahagi ng kanilang existence. kaya may mga suicide bobmers ngayon dahil sa pinag-ugatang sektang ito.

Ikuwento ko sa inyo sa susunod na mga araw. philippine smile

_________________
Back to top Go down
bantay
Senior Member
Senior Member


Male
Dami ng Post: 2175
Puntos: 1494
Salamat: 0
Lokasyon: muntinlupa
Nagpatala: 2008-04-18

PostSubject: Re: sUiCidE...   May 15th 2008, 9:12 am

siguro nasa kaunlaran nga din ng isang ekonomiya yun.. kaso madaming problemang nanyayari sa isang maunlad na bansa

kaya madalas ang suicide.. parang gamot na siguro yun sa stress na nararamdaman nila..

pero nasa tao lang din naman yun..
Back to top Go down
http://marsdawoh.multiply.com/
silip_lang
Active Member
Active Member


Female
Dami ng Post: 3646
Puntos: 1785
Salamat: 2
Lokasyon: Balanga City, Bataan
Nagpatala: 2007-11-27

PostSubject: Re: sUiCidE...   July 5th 2008, 4:22 pm

bakit ba kelangang mag suicide eh ang ganda ng buhay....maraming problema oo pero mas malaki ang DIOS kesa sa anumang problema....


hindi kamatayan ang solusyon...kung kikitilin mo ang iyong sariling buhay mas lalong paghihirap ang daranasin mo sa impyerno...kamatayang walang hanggan....
Back to top Go down
http://www.siliplang07.multiply.com
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7543
Puntos: 1972
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: Re: sUiCidE...   July 8th 2008, 12:50 pm

Maganda yung tanong ni Zai... pero ang punto mo ay depende kung ano ang pinanampalatayanan... halimbawa sa Japan... iba ang paniniwala nila sa suicide... hindi tulad nating mga Kristiyano...

Natanong ko rin nga sa sarili ko kung ano naman kaya ang pagkukulang nung mga taong nakapaligis sa kanya... ano ang pagkukulang ng lipunan at may mga nagpapatiwakal... kasi ang ano mang problema ng buhay ay dulot rin ng ating sarili at ng ating lipunan... kung tayo mismo ang may akda ng problema eh di may kinalaman nga tayo sa pagpapakamatay ng isa sa ating kapitbahay... ewan ko... naitanong ko lang...

_________________
Back to top Go down
belle
Moderator
Moderator


Female
Dami ng Post: 4193
Puntos: 2000
Salamat: 7
Lokasyon: malapit sa tabi mo..
Nagpatala: 2008-02-08

PostSubject: Re: sUiCidE...   July 8th 2008, 3:46 pm

sabi ko sa ^^.. depende sa kanyang kinalakhan..

naisip ko din.. minsan kahit gaano kaganda ang kanyang paligid.. ngunit nararamdaman niya ang isang kakulangan at hindi siya nakapagreach-out.. hindi nailabas yung kanyang naiisip.. posibleng maging isa sa mga dahilan ng suicide.

di niya nakita yung magandang buhay na nasa kanya.. di niya na-aapreciate ang mumunting bagay na nakakapagbigay ng saya sa isang tao.. dahil he/she aims for something.. lalo na kung di niya ito naabot.. nawalan ng pag-asa.. ganun..

yung tao din sa paligid ng mga taong nagsu-suicide.. posible ding maging sanhi..
if makahalata na isang tao ay medyo nasa-low stage.. dapat bigyan ng pansin.. meron man lamang makausap yung taong yun.. ma-aalleviate ang nagbabalak ng suicide.. ipakita sa kanya kung gaano kaganda at ka-kulay ng buhay... Very Happy
Back to top Go down
silip_lang
Active Member
Active Member


Female
Dami ng Post: 3646
Puntos: 1785
Salamat: 2
Lokasyon: Balanga City, Bataan
Nagpatala: 2007-11-27

PostSubject: Re: sUiCidE...   July 18th 2008, 2:30 pm

hindi kaya nang kanilang mga damdamin at kaisipan kaya nagpapatiwakal...dapat meron silang makilalang makapagpapagaan ng kanilang kalooban....


hindi natin mapipigilan ang ibang gawin ang gusto nila pero matutulungan natin silang ituwid ang liko nilang landas Smile
Back to top Go down
http://www.siliplang07.multiply.com
misay
Junior Member
Junior Member


Female
Dami ng Post: 517
Puntos: 1481
Salamat: 0
Lokasyon: umeå,sweden
Nagpatala: 2008-07-31

PostSubject: Re: sUiCidE...   August 26th 2008, 12:17 am

lahat naman tayo may suicidal tendency na pag uugali.. but then.. iba't ibang personality ng isang tao kung hanggang saan level ang kaya nyangg ihandle.... ^_^ kung ang tao ay my healthy personality ....di nya maiisip na mag attempt magsuicide...dahil narin sa kaya pa nyang ihandle yung bigat ng problema nya.... minsan nauuwi sa suicide kung nattrigger na yung level nung emotions nya... di nanagiging healthy kaya ayun... nadedeppresss na sobra at pa nasobrahan.. ayun nagpapakamatay...

ay sus naintindihan kaya yung explanation ko.. base sa aking paniniwala.. hmmmm
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/michellebersamina
Lanyag Clara
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 2247
Puntos: 1339
Salamat: 6
Lokasyon: Bulubunduking Lalawigan
Nagpatala: 2008-12-13

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 6th 2009, 1:21 am

misay wrote:
lahat naman tayo may suicidal tendency na pag uugali.. but then.. iba't ibang personality ng isang tao kung hanggang saan level ang kaya nyangg ihandle.... ^_^ kung ang tao ay my healthy personality ....di nya maiisip na mag attempt magsuicide...dahil narin sa kaya pa nyang ihandle yung bigat ng problema nya.... minsan nauuwi sa suicide kung nattrigger na yung level nung emotions nya... di nanagiging healthy kaya ayun... nadedeppresss na sobra at pa nasobrahan.. ayun nagpapakamatay...

ay sus naintindihan kaya yung explanation ko.. base sa aking paniniwala.. hmmmm


correct! di natin alam..panapanahon lang yan e!
Back to top Go down
http://www.lanyag23.multiply.com
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7543
Puntos: 1972
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 12th 2009, 9:50 pm

Panapanahon... hmmm.. nakakatakot naman...

_________________
Back to top Go down
Lanyag Clara
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 2247
Puntos: 1339
Salamat: 6
Lokasyon: Bulubunduking Lalawigan
Nagpatala: 2008-12-13

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 12th 2009, 10:54 pm

Jhuly wrote:
Panapanahon... hmmm.. nakakatakot naman...


kaya nga dapat..araw-araw..lagi tayong handa...
let's live as if there's no tomorrow
coz tomorrow never comes!
Back to top Go down
http://www.lanyag23.multiply.com
gneth
Active Member
Active Member


Female
Dami ng Post: 3566
Puntos: 1487
Salamat: 1
Lokasyon: san juan city
Nagpatala: 2008-07-21

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 14th 2009, 3:48 pm

live life to the fullest...

ang sarap mabuhay, despite the problems wow! dapat tayong magpasalamat kay Lord sa araw araw dahil nadadagdagan ang ating buhay
Back to top Go down
Lanyag Clara
Senior Member
Senior Member


Female
Dami ng Post: 2247
Puntos: 1339
Salamat: 6
Lokasyon: Bulubunduking Lalawigan
Nagpatala: 2008-12-13

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 14th 2009, 7:38 pm

gneth wrote:
live life to the fullest...

ang sarap mabuhay, despite the problems wow! dapat tayong magpasalamat kay Lord sa araw araw dahil nadadagdagan ang ating buhay


]kaya nga kapag sumasapit ang aking kaarawan..nagdiriwang ang lolah?!..

di man bonggang-bongga..just merely realizing things happened in the past
makes me say Thank you and ready for what comes next!?
Back to top Go down
http://www.lanyag23.multiply.com
Jhuly
Moderator
Moderator


Male
Dami ng Post: 7543
Puntos: 1972
Salamat: 7
Lokasyon: Novaliches
Nagpatala: 2007-10-28

PostSubject: Re: sUiCidE...   January 29th 2009, 10:52 am

Dapat lang hindi sumuko sa mga pagsubok na kinahaharap... mahirap na nga angbuhay tapos duwag ka pa... sobrang loser naman nun...

Kahit mahirap ang buhay dapat may tapang tayo na harapin ito...

_________________
Back to top Go down
 

sUiCidE...

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Goto page : 1, 2  Next

 Similar topics

-
» How a cell phone picture led to girl's suicide
» Jordan Trowsdale - suicide
» Bullying may be a factor in the suicide of 11 year-old Celina Okwuone, according to her diary
» Police probe husband's 'murder-suicide'
» JACINTA REES...... SUICIDE OR MURDER?

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
kABaTAanG pINoy :: Huntahan at Kulitan :: Love and Family-